Friday, November 28, 2008

Life in dUbai!

sana lAhat ng anak na ang mga magulang ay OFW sana marealize nio ito!

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa DUBAI ka akala nila madami ka ng pera ng langis. Ang totoo, madamikang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card Kasi naubus na ang cash pinadala sa pinas, kase pag hindi ka nagpadala, iisipin nila nakalimutan mo na sila.

Akala nila mayaman ka at marami kang pera kasi buwan-buwan libo-libo padala mo walang palya at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhang iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sayo at pag kinulang pa umuutang pa at lista muna sa malapit na bakala.

Pag may okasyon sa pinas birthday, fiesta, anniversary, pasko, new year, at iba pa, padala ka agad panghanda sarap ng kainan nila, di nila alam ikaw tiyaga sa budget meal, kapsa, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat, hay naku!

Akala ni Tatay, Nanay, Ate, Kuya, anak, mga pamangkin at iba pa namumulot ka ng pera sa Dubai kada may problema text kaagad, kumusta sa una sa bandang huli kelangan ng ng pera! Hay naku…nakaka-alergic na ang text sa roaming puro gastos…minsan padala ka pa ng load! Load mo nga utang pa Pana! Hay naku bakit ba nauso pa yan dagdag gastos lang talaga at pag di ka pa reply aawayin ka pa!

Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong bayani….naku mas masarap pa yong nasa pinas na sa katas ni bagong bayani ay syang umaani! Utang sa DUBAI lalong dumarami.

Akala nila masarap sa DUBAI di nila alam di ka na nga makauwi kasi roundtrip tiket kina-cash pa mapadala lang at ibayad sa utang.

Akala nila sosyal ka na kulay ng buhok mo uso pa at naka-highlight pa, di nila alam buhok mo namumuti na sa stress at problema at pag minalas pa nalalagas pa!

Akala nila masarap sa DUBAI kasi pag-uwi mo mestiso ka, maputi at mamula-mula ang balat mo, di nila alam babad ka sa opisina at kulong sa bahay mo dahil no choice ka, mga kapit bahay mo di mo kaano-ano, walang paki-alaman at kung lalabas ka sunog ang balat mo, init ng araw sobra!

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa ito! Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa Dubai maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa winter na kasama ang asawa mo dito sa Dubai. O kaya naman tiyaga kang mag – abang ng RTA Bus or Coaster na ubod ng kakaibang perfume ang ibang mga pasahero at pagbaba mo nadikit na rin ang perfume nila, grabe! Walang jeepney, tricycle o padyak sa Dubai .. madami mga indiano, Bangladesh na driver na ubod ng baho. Pag natiyempuhan – pakistani na taxi driver na rapist pa!

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Burj Al Arab, Desert Safari, mall of emirates, Atlantis, Al Mamzar Beach, at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase minsan minsan ka lang makakapicture para mapadala mo sa mga mahal mo sa buhay.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dirham na sweldo mo. Ang totoo, medyo malaki pagpinalit mo ng peso, pero dirham din ang gastos mo sa Dubai . Ibig sabihin ang Dirham mong kinita sa presyong Dirham mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas AED3.00 sa Dubai , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa Dubai AED 6.50, alangan namang puro cafeteria food ang kakainin mo aba mamatay ka sa highblood o hepa nyan kasi nga umaapaw na sa mantika madumi pa! Mga kadiri , kaya lang pag naubusan ka ng pera no choice you have to take the risk
.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo.nag pa-lypo kay calayan at nagparetoke kay vicky belo, Ang totoo nag loan ka lang sa Mashreq, HSBC o CITIbank na huhulugan mo ng limang taon. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo at ng luho mo at ng bansang ito!! kasi nga magloan ba naman dahil sa luho bwahahaha!

Madaming naghahangad na makarating sa Dubai . Lalo na mga nurses at mga medtec at eto pa pati cleaners, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad lalo na kaya sa Dubai madaming outlet ng stress mo! kasi walang bawal!!! Hindi ibig sabihin Dirham na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan
at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.
Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas o iniigib.
Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.

Mahirap mangibang bayan…sino ba ang may kasalanan na iwan sariling bayan?
Manilbihan sa dayuhan at malayo sa pamilya ay may kahirapan.
Hangga’t may pinay DH na nangingibang bayan na simbolo ng ating kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapag-iiwanan. Kaya Juan magtabi ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan mo!


+alam mo ba na nandito din a sa dubai!
+akala mo madali nung una
+hiRap na hiRap din akong maKisama kahIt estudyante pa lang ako!
+kaYa nuNG duMating at nagaral ako dito nagtino ako kasi alam ko kung gAno ang hirap na pinagdadaanan ng papa ko!
=nakabilad ang papa ko sa tindi na sikat ng araw
=lahat gnAgawa nia para lang samin magkakapati
=dahil ang gusto nia mabigyan kami ng magandang future!
=kaya ang goal ko ngaun maging proud sila sakin sa isang maliit a dhilan lang!
=ang malaman nila na nagsisikap ako para masuklian ang hirap na ginagawa nia para sakin!
*mahal na mahal ko sila!:]

yab yu soo much papa!
yab yu soo much mama!
yab yu soo much kuya!
yab yu soo much brix!!
yab yu too mamistarR!

1 comment:

franchesca said...

HELLO MY BABISTAR!Ü

waw, nabasa ko yang LIFE IN DUBAI. grabe! ganun pala jan. ngayon ko lang narealize. tsk, anyway, sana marami pang makabasa nyan my dear.

eon. mukang magaling kana ah.Ü very good. at talagang naeenjoy mo ang pagpopost dito. muap!Ü keep on posting. XD in that way, intouch din tayo always.Ü

hmm, secret lang natin to ha. natatakot ako sa tito mo. hihi. dad nila kuya keb mo. waa! wala lang.Ü

muap! labsyu babiistar.Ü

soo much!Ü